SHABU6
By

Big-time pusher sa Makati, nadakma sa Batangas

Sharing is caring!

Tinatayang nasa P2 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa nasakoteng supplier ng shabu sa Makati City sa ikinasang anti-drug operation sa Batangas nitong Lunes.

Ayon sa Philippine National Police Police Regional Office 4-A, nadakma si Marcial A. Orbigoso, alyas Tan Tan, sa Purok 6, Barangay Pangao, Lipa City.

Kilala si Orbigoso na kabilang sa “Big Three” suppliers ng shabu sa Guadalupe Viejo sa Makati.

Nakuha sa suspek ang dalawang malaking plastic sachets at 12 medium-size plastic sachets ng hinihinalang shabu na may P2 milyon ang halaga, isang timbangan, dalawang rolyo ng aluminum foil at isang bundle ng walang laman na plastic sachet.

Nasabat din sa suspek ang isang Armscor brand .45 caliber pistol na may isang magazine at loaded ng pitong bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?