66

Sep 21, 2019 @ 14:34
By

Big-time oil price hike, sisirit sa susunod na linggo

Nakaamba sa susunod na linggo ang malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Batay impormasyon mula sa oil industry source, maglalaro sa P2.30 hanggang P2.40 kada litro ang isisirit presyo ng gasolina.

Maglalaro naman sa P1.40 hanggang P1.60 kada litro ang posibleng idagdag sa presyo kada litro ng diesel o krudo.

Ang malaking taas presyo sa produktong petrolyo ay epekto ng nangyaring drone attack sa dalawang planta ng langis ng Saudi.

Samantala, posibleng magtaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Steven Cua, presidente ng Phil. Amalgamated Supermarket Association, Inc., ang pagtaas ng presyo ng ilang mga prime commodities ay bunsod ng malaking taas-presyo ng produktong petrolyo.

Maglalaro sa piso hanggang dalawang piso ang posibleng ipataw sa ilang mga produkto na idini-deliver sa mga supermarket owner.

Una nang inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang mga bilihin ngayong Setyembre.

Ito ay matapos ihirit ng ilang manufacturer ng sardinas sa DTI na pagbigyan na ang itinutulak na taas-presyo na noon pang Agosto ipinangakong aaksyunan ng kagawaran.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, maglalabas na ang kagawaran ng bagong listahan ng suggested retail price bago mag-Setyembre 25.

Nasa P0.50 hanggang P1 ang magiging dagdag sa presyo ng ilang brands ng sardinas, instant noodles, gatas at kape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?