43

Jul 30, 2018 @ 19:43
By

Big-time oil price hike bubulaga bukas

Binawi at sobra pa sa nangyaring price rollback ng mga produktong petrolyo ang pagtataas bukas ng presyo ng mga kumpanya ng langis sa kanilang produkto.

Ang karagdagang presyo ay hanggang P1.15 kada litro sa gasolina at P0.95 naman sa bawat litro ng krudo.

Samantala, P0.85 naman ang itataas sa halaga ng bawat litro ng kerosene o gaas.

Ang Flying V, Shell, Seaoil, PTT, Total, Phoenix at Caltex ay alas-sais ng umaga magiging epektibo bukas.

Noong nakaraang Lunes at Martes, nagtapyas ng hanggang P1 kada litro sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?