22

By

Big-time oil price hike asahan bukas

Sharing is caring!

Magpapatupad ng dagdag-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Enero 15.

Epektibo alas-sais ng umaga, may dagdag na P2.30 kada litro sa kanilang diesel ang Shell, P1.40 naman kada litro sa gasolina at P2 sa kerosene o gaas.

May dagdag naman na P2.30 sa kada litro ng diesel ang PTT Philippines at P1.40 sa gasolina na epektibo rin ng 6:00 a.m.

Samantala, epektibo alas-12:01 ng hatinggabi may price hike na P1.40 kada litro ng kanilang Platinum ang CPI (Caltex), P1.40/liter sa Silver, 2.30/liter sa diesel at P2.00 kada litro sa kerosene.

Alas-12:01 ng madaling-araw din ay magtataas ng P2.30 sa kanilang diesel ang Eastern Petroleum habang P1.40 sa kanilang gasolina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?