8

Sep 14, 2020 @ 23:26

Big time lady drug dealer, timbog

Isang big-time lady drug dealer ang nadakip ng pulisya sa anti-illegal drug operation sa Malolos, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Maritess Montallana, 45-anyos, tubong Antipolo City at nangungupahan sa Barangay Mojon, Malolos City.

Nabatid na pasado alas-3:00 ng hapon noong linggo nang magkasa ng buy-bust operation ang SDEU ng Malolos City at tinarget si Montallana na dating OFW at makuhanan ng limang malalaking pakete ng shabu na hindi matiyak ang halaga matapos ang week long surveillance operation sa Barangay Mojon.

Nakakulong na ngayon si Montallana sa Malolos at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at kaagad ipinasailalim sa drug test. (Jun Borlongan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?