69

By

Big-time drug dealer bumunot ng granada, itinumba ng PDEA

Todas ang sinasabing big-time drug dealer nang magtangka umanong magpasabog ng granada habang ibinibiyahe ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Muntinlupa City.

Kinilala ni PDEA Acting Regional Office V Director Christian O Frivaldo ang napatay na suspek na si Edwin Cabezudo, alyas Pacao.

Sa inisyal na report, nagsagawa umano ng buy-bust ang mga awtoridad sa Moldez Apartelle sa Alabang, at naaresto ang suspek matapos na makumpiskahan ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Agad namang isinakay ang suspek sa mobile ng mga awtoridad upang dalhin sa PDEA headquarters subalit pagsapit sa kahabaan ng C5 Highway sa Taguig City ay naispatan na may dinudukot ito sa loob ng kaniyang shortpants.

Nang madiskubreng granada ang dinudukot ng suspek at tangkang pasabugin ay mabilis na bumunot ng baril ang mga awtotidad at binaril si Pacao.

Nang duguang bumulagta ang suspek ay isinugod pa ito sa Quirino Memorial Medical Center subalit binawian na ito ng buhay.

Nabatid na ang suspek ay big-time drug distributor sa Cavite at Bicol at dati na rin siyang nakulong dahil sa iligal na droga at kalalaya lamang noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?