44

By

Big-time adik, timbog sa Baguio

Sa bisa ng warrant of arrest, nasukol ang isang ‘high value target’ drug personality matapos ang ginawang anti-illegal drug bust sa Upper Session Road, Baguio City noong Miyerkoles.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-Cor) ang suspek na si Al Denver Wal Sayan, 33-anyos, binata, ng Barangay Pico, La Trinidad, Benguet.

Ayon sa PDEA-Cor, sa pag-aresto sa suspek, ininspeksiyon nila ang mga personal na kagamitan ni Sayan at nadiskubre nila ang iligal na droga at drug paraphernalia.

Sinabi ng PDEA-Cor, nakumpiska mula kay Sayan ang aabot sa 7.5 gramo ng pinaniniwalaang shabu at anim na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga lahat ng higit P51,700.

Inilabas ang warrant of arrest ni Sayan nang ito ay mabigong humarap sa korte para sa pagbasa sa kanyang sakdal sa kasong paglabag ng RA 10591 o ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Napag-alaman na unang nahuli ang suspek noong October 5, 2016 dahil sa pagdadala nito ng iligal na droga, drug paraphernalia, mga bala at isang caliber 38 revolver na napalaya matapos magpiyansa habang dinidinig ang kanyang kaso sa korte.

Sa ngayon, nakakulong ang suspek sa PDEA-Cor jail at nahaharap sa panibagong kaso ng anti-illegal drug act laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?