53
Big men hanap ni Pumaren
Jun 26, 2019 @ 17:31
By ,

Big men hanap ni Pumaren

Back to drawing board ang Centro Escolar University matapos ang runner-up finish sa unang conference ng 2019 PBA D-League kontra Cignal-Ateneo.

Ayon kay coach Derrick Pumaren, kakailanganin niya ng mga tatlong manlalaro para sa kanilang kampanya sa susunod na conference ng D-League, na magbubukas sa susunod na buwan.

“I need two or three more players para may konting fresh legs kasi pito lang yung naglalaro,” ani Pumaren sa post-game interview.

“Meron pero wala akong height. I have more of guards like shooting guards and small guards, ‘yun lang meron ako, we still have to find out kung paano.”

Bagaman bigo na masungkit ang titulo, pinagmamalaki pa rin ni Pumaren ang kanyang tropa na nagawa nilang makatungtong sa Finals ng liga kahit pitong manlalaro lang ang bitbit nito.

“I’d like to congratulate them for getting here in spite and despite of all the issues and destruction and we still made it here to the finals,” dagdag niya.

“I told them, for me – in my books you’re already a champion because you’ve done something na incredible and there’s nothing to be ashamed of.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?