48

Oct 20, 2017 @ 15:43

‘Big fish’ naman ang hulihin sa droga – Catholic priest

Nakukulangan pa ang isang paring Katoliko sa ipinatupad na pagbabago ng administrasyon sa estratehiya nito sa paglaban sa iligal na droga.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Permanent Committee on Public Affairs, bukod sa pagpapaubaya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng lead role sa kampanya, panahon na para puntiryahin naman ng administrasyon ang mga “malalaking isda” na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Aniya, ang mas dapat na tinatarget ng PDEA ay ang mga manufacturer, kartel at mga sindikato na pinagkukunan ng suplay ng mga small-time pusher at mga mahihirap na lulong sa droga.

“But with the change in personnel, there should also be a shift in strategy. PDEA should instead run after manufacturers, cartels or syndicates than merely prey on small-time pushers and poor addicts. It’s high time that they dismantle the suppliers instead of annihilating the users and pushers,” pahayag ni Fr. Secillano. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?