287

Feb 11, 2018 @ 22:13

‘Big 3’ ng Ginebra kumana sa pagsipa sa TNT

Sumandal ang Ginebra sa kanilang talong hari matapos pabagsakin ang TNT, 93-78 para malagay sa ikalimang puwesto sa 2018 PBA Philippine Cup.

Ang trio nina LA Tenorio, Japeth Aguilar, at Greg Slaughter ang nagsanib puwersa para hindi makaporma ang Tropang Texters at maihatid ang koponan sa ikalima nilang panalo ngayong conference.

Nanguna si Tenorio sa kanyang 27 points, 11 assists, at limang rebounds habang may 25 markers, anim na rebounds, dalawang steals at dalawang blocks naman si Aguilar.

Hindi rin nagpahuli si Slaugther na may 20 points, 14 rebounds, apat na assists at dalawang blocks.

Nag-ambag naman si Scottie Thompson ng siyam na puntos, 11 rebounds, apat na assists at dalawang steals.

Bumagsak naman sa pang-walong puwesto ang TNT, 4-5, matapos ang back-to-back loses.

May 17 points si Jayson Castro mula sa 6-of-20 na tira habang may 17 puntos din at 15 boards si Kelly Williams para sa TNT na wala ang forward na si Troy Rosario dahil sa injury.

Iskor:

GINEBRA 93 — Tenorio 27, J. Aguilar 25, Slaughter 20, Thompson 9, Cruz 6, Ferrer 6, R. Aguilar 0, Caguioa 0, Caperal 0, Mercado 0, Taha 0.

TNT 78 — Castro 17, Williams 17, Pogoy 16, Tautuaa 10, Garcia 8, Paredes 2, Reyes 2, Semerad 2, Tamsi 2, Torres 2, Carey 0, Golla 0.

Quarters: 22-18, 44-42, 63-62, 93-78.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?