11

By

Bieber spotted na humahagulgol sa harap ni Hailey

Sharing is caring!

Marami ang nagtaka kung bakit nakitang umiiyak si Justin Bieber sa isang park sa New York City?

Kasama ni Bieber ang kanyang fiancee na si Hailey Baldwin na nagbibisikleta sa NYC nang bigla raw silang tumigil at umiyak na lang daw si Bieber.

Tinakpan pa raw ng Canadian pop singer ang kanyang mukha habang patuloy ang pag-iyak nito. Tinabihan naman siya ni Hailey at niyakap.

Noong matapos na ang pag-iyak ni Bieber, pumasok sila ni Hailey sa isang restaurant sa Tribeca at doon sila nag-usap.

Hindi pa rin malinaw sa mga fan ni Bieber kung ano ang naging dahilan ng paghagulgol nito. Pero na-relieve ang lahat nang mag-post si Hailey sa kanyang Instagram ng isang black and white photo nila ni Justin na naghahalikan at may words na “My Love”.

Haka-haka ng ilang netizen na baka overwhelmed lang si Bieber dahil pinaplano na raw nila ni Hailey ang kanilang wedding. Tears of joy daw ang mga iniyak ni Bieber.

“They don’t want a long engagement and are already planning their wedding. They are spending a lot of time with Hailey’s family in N.Y.C., and everyone is very excited that they are getting married.

“Justin still seems extremely happy. He is relaxed and very much enjoying his life. He feels very lucky to be with Hailey. He can’t wait to call her his wife,” ayon pa sa report ng PEOPLE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?