66

Feb 6, 2018 @ 15:34
By

Bieber nag-apoy sa selos kina Gomez, Chalamet

Nag-deny si Justin Bieber na nagseselos ito sa pagiging close ng girlfriend niyang si Selena Gomez sa aktor at Oscar best actor nominee for the film Call Me By Your Name na si Timothee Chalamet.

May nilabas kasi ang isang tabloid na nag-aapoy sa selos si Bieber kay Chalamet over Gomez. May ginagawa kasing movie ang dalawa na A Rainy Day In New York under Woody Allen.

Sa sobrang close ng dalawa ay may mga live videos pa sila sa kanilang mga social media accounts. Pero purely platonic lang daw ang pagiging close ng dalawa.

Lumabas pa sa OK! Australia ang issue na “Selena & Timothee Driving Justin Crazy”.

Ayon pa sa source ng balita: “Selena and Justin have been arguing nonstop over her friendship with Chalamet. Justin is worried that Timothee and Selena’s on-set chemistry could translate into real life… Their closest friends are saying that they’re on the verge of breaking up.”

Pero baseless naman daw ang pinanggalingan ng news dahil walang problema kina Bieber at Gomez. Nakita nga si Gomez na nanood pa ng hockey game ni Bieber at sabay pa silang nagsimba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?