96

Nov 5, 2020 @ 16:03
By

Biden lugaw! Mga anak ni Robredo inasar si Trump

Halalan 2016 sa Pilipinas ang naalala ng mga anak ni Vice President Leni Robredo sa akusasyon ni US President Donald Trump na dinaya ito sa US elections nito lang Martes.

Tweet ni Trump, dinadaya raw siya matapos siyang matalo ni presidentiable Joe Biden sa ilang key state sa Amerika.

Sunud-sunod naman ang pang-aasar nina Tricia, Jillian, at Aika Robredo rito sa Twitter.

“Uy parang may ganitong linyahan din dito nung 2016,” ani Tricia.

“Baka paggising lamang na si Biden sa key states kung saan lamang si Trump tapos sasabihin dinaya,” sey naman ni Jillian. Reply ni Tricia, “BIDEN LUGAAAAW”.

In-Ingles pa ito ni Aika at sinabing, “Rice porridge! Biden!”

Tinatawag na “Leni lugaw” si VP Leni ng kanyang mga kritiko. Slang term ang “lugaw” para sa tangang tao.

Matatandaang inakusahan ni dating Sen. Bongbong Marcos na nandaya si Robredo sa 2016 halalan. Lumamang ang huli sa nauna nang 250,000 boto.

Matapos magpa-recount ni Marcos, lumaki pa ang lamang ni Robredo patungong 263,473 boto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?