15

Nov 2, 2020 @ 10:27
By

Biden angat kay Trump – survey

Lumabas sa isang survey na lamang si presidentiable Joseph Biden Jr. kay US President Donald Trump sa apat na mahalagang swing states sa Amerika.

Sa ginawang poll ng The New York Times at ng Siena College sa mga likely voter sa Amerika, nadiskubreng angat si Biden kay Trump sa Florida (3 points), Arizona (6 points), Pennsylvania (6 points), at Wisconsin (11 points).

Itong lamang ni Biden, ayon sa poll, ay dahil sa suporta ng mga hindi bumoto noong 2016 US elections pero gusto nang bumoto sa darating na 2020 US elections sa Martes, Nobyembre 3.

Nilabas ang NY times report hinggil sa poll, Nobyembre 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?