147
nsrp
By

Bidding sa North-South railway project, sinimulan na

Sharing is caring!

Binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) ang bidding para sa construction contract ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Ayon sa pamunuan ng DOTr, kailangang isalang sa bidding ang civil works and building components ng NSCR project na mayroong dalawang contract packages.

Una na rito ang pagsasagawa ng mataas na istraktura, paglalagay ng pitong istasyon at depot; pangalawa sa bidding ang elevated structures at paglalagay naman ng tatlo lamang na istasyon.

Ang karapat-dapat na bidders ay kailangan na mayroong Japanese prime contractor at kalakip ang sinumang makukuhang sub-contractors na aprubado ng DOTr.

Una nang nilagdaan ng Department of Finance ang loan agreement sa Japan International Cooperation Agency noong 2015 na nagkakahalaga ng 241.991 billion yen, na siyang magpopondo sa infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.

Nakatakda ang pre-bid conference sa Hunyo 1 na nilaanan ng Procurement Service na non-refundable price na P50,000 at magtatapos sa Agosto 16 para sa dalawang nakasaad na kontrata.

Ang North-South Commuter Railway (NSCR) project na mas kilala sa Philippine National Railways (PNR) North 1, ay mayroong 37.9-kilometer line mula Malolos, Bulacan hanggang Tutuban, Manila na inaasahang mabibigyan ng serbisyo ang nasa 300,00 na mga pasahero.

Inaasahang magbubukas ang proyekto sa Disyembre 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?