34

Jun 12, 2020 @ 14:38
By

Bicycle lanes sa EDSA kasado na

Dumadami na ang gumagamit ng bisikleta bilang service papasok sa trabaho.

Ito’y dahil hindi lahat ng pampublikong sasakyan ay pinapayagang bumiyahe.

Kaya naman sa Sabado ay uumpisahan na ang construction ng bicycle lanes sa EDSA.

Maraming public transportation ang hindi pa bumibihaye dahil sa ipinatutupad na COVID-19 quarantine at health protocols.

Ayon sa post ng DOTr sa social media, sinelyuhan ni Secretary Arthur Tugade sealed ang usapan nila ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim para mapabilis ang paggawa ng bicycle lanes.

“Our goal is to move people while making sure of their safety,” wika ni Tugade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?