30

May 31, 2020 @ 12:25
By

Bicycle lanes luwagan

Dahil may limitasyon ang magiging pasareho ng mga pampublikong sasakyan ay tiyak na marami ang gagamit ng bisiklista sa pagtungo sa kanilang trabaho.

Kaya naman hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na maglagay at luwagan ang bicycle lanes dahil marami na ang gumagamit ng bike bilang kanilang service.

Limitado rin ang mass transportation services dahil sa coronavirus disease kaya upang hindi mahirapan sa pupuntahan ay gumagamit ang mga commuters ng bike.

Sinabihan ni DILG Secretary Eduardo Año ang provincial governors at municipal mayors na makipag-ugnayan sa kanilang kalapit ng LGUs para sa pagsagawa ng bicycle road network.

“LGUs have to be ready with the bike lanes in their areas to ensure the safety of the cyclists, because of limited mass transportation, most people will resort to biking as a means of going to and from work.” hayag ni Año.

Ayon pa kay Año na tiyakin na may tamang luwag at walang sagabal sa mga dadaanan ng bisikleta upang maiwasan ang disgrasya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?