125
witness
By

Bicolana ‘susi’ sa pagpatay sa QC prosecutor

Sharing is caring!

Posibleng maging susi ang isang babae mula sa lalawigan ng Albay upang makilala ang mga suspek sa pananambang kay deputy city prosecutor at chief inquest Rogelio Alfiler Velasco noong hapon ng Mayo 11 sa kahabaan ng Don Antonio St., Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Abante/Tonite, ang plakang NXR-256 na nakakabit sa puting Toyota Innova na ginamit na ‘get-away’ ng mga hinihinalang ‘hired killers’ ay nakarehistro sa isang babae na naninirahan sa Bagumbayan Ligao, Albay.

Pero ayon sa source sa Land Transportation Office (LTO), ang nasabing plaka ay nakarehistro sa isang Isuzu Gemini at hindi sa Innova, kaya posibleng ninakaw ito ng mga suspek at ikinabit sa kanilang get-away vehicle upang iligaw ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Sa dokumentong nakuha ng Abante/Tonite, ang nasasbing plaka na ikinabit ng mga suspek sa kanilang ginamit na sasakyan sa pananambang kay prosecutor Velasco ay noon pang Hunyo 9, 2010 ang huling rehistro, base sa rekord ng LTO.

Magugunitang ipinakalat na rin sa social media ang cartographic sketch ng dalawang suspek na tumambang sa prosecutor ng Quezon City court.

Nakipagtulungan na rin ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamamagitan ng binuong Task Force Velasco na pinamumunuan ni P/Sr. Supt. Ronaldo Genaro Ylagan na siyang District Deputy Director for Operation para sa agarang ikalulutas ng pagpatay kay Velasco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?