80

Oct 14, 2021 @ 13:11
By

Bicol region napag-iiwanan sa bakunahan – Salceda

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda sa gobyerno na dagdagan ang COVID-19 vaccine na ipinapadala sa Bicol region.

Habang pinag-uusapan na umano ang pagbabakuna sa 12-17 taong gulang, sinabi ni Salceda na nasa 10% pa lamang ng populasyon ng Bicol region ang nabakunahan na.

“While other regions like NCR (National Capital Region) are already contemplating vaccinating minors, we are yet to even reach decent levels of vaccination for our priority populations,” sabi ni Salceda.

Mahigit 87 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang dumating na sa bansa at mahigit 50 milyong dose na ang naiturok.

“Manila City, for example, has now vaccinated more than its own population. Imagine the vaccine inequity. Of course there will be vaccine hesitancy in these places, simply because there’s no one left to vaccinate,” sabi ni Salceda. “The point is, get more vaccines in regions that are under vaccinated, because here, we are aching for vaccines.”

Noong Hulyo ay nanawagan na si Salceda sa gobyerno para sa patas na distribusyon ng bakuna.

Sumulat din si Salceda kay Pangulong Rodrigo Duterte, Inter-Agency Task Force at National Task Force (NTF) para ipaalam na mayroong storage facility ang kanyang distrito na kanyang taguan ng 190,200 dose ng Pfizer o 312,000 dose ng Moderna COVID-19 vaccines.

“Vaccination is very crucial for our provinces, especially for regions as geographically dispersed or expansive as Bicol. While it’s easier for one from Caloocan to seek medical attention in Muntinlupa, it is virtually impossible in Bicol, if say residents from Catanduanes or Masbate have to go to Camarines Norte for a similar purpose,” punto pa ng mambabatas. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?