21
bicol

Bicol Region, namuro sa election watchlist ng PNP

Sharing is caring!

Naitala ang rehiyon ng Bicol na may pinakamataas na bilang ng mga barangay na nasa “election watchlist” ng Philippine National Police (PNP) sa pagdating ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, ang bulto sa

5,744 barangays na kanilang minomonitor sa pagsisimula ng election period ay sa Bicol Region ang karamihan na may kabuuang 1,258 barangays.

Marami umanong insidente ang kinasasangkutan ng naturang rehiyon kabilang na ang mahigpit na labanan ng mga kumakandidato rito, private armed groups, gangs, loose firearms at NPA na maaaring maging dahilan para maging magulo ang eleksiyon.

Kasama umano ng PNP ang Armed Forces of the Philippines sa pagpapanatili ng kapayapaan sa darating na eleksiyon at sa pagbabantay sa seguridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?