29

Oct 7, 2021 @ 18:29
By

Bicol International Airport pinasinayaan ni Duterte

Personal na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay nitong Huwebes ng hapon.

Ang bagong paliparan ay moderno at may contactless service at may self-service check-in kiosk na magpapagaan sa mga pasahero.

Nakatakdang magsimula ang operasyon ng bagong paliparan ngayong Biyernes, Oktubre 8.

Sinabi ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na 11 taon na naantala ang konstruksiyon ng airport at natupad lamang ito sa ilalim ng Duterte administration sa pamamagitan ng Build, Build, Build program.

Sa pagsisimula ng kanyang talumpati ay inabisuhan ang Presidente na huwag magmura dahil naka-live ang aktibidad sa telebisyon at napapanood sa buong bansa.

“I congratulate the Department of Transportation, local officials and project partners including the Civil Aviation Authority of the Philippines for turning Bicol International airport into a reality after 11 years,” anang Pangulo.

Inaasahang makakapagserbisyo ang bagong airport ng dalawang milyong pasahero kada taon lalo na kapag nabuksan na ang turismo sa Bicol Region na pamoso dahil sa Mayon Volcano. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?