17

Oct 7, 2021 @ 0:23
By

Bicar umanib sa Gazz

Sumapi si Alina Joyce Bicar na sa Petro Gazz para sa parating na 2022 Premier Volleyball League.

“Let’s all welcome Alina Bicar, the newest addition to the team!” lahad ng Angels sa kanilang social media page Miyerkoles.

Huling lumaro ang veteran setter mula sa UST Golden Tigress, sa Balipure sa 2021 PVL Open Conference sa Bacarra, Ilocos Norte kung saan tumapos ang Water Defenders na pangwalo noong July 17-August 13.

Pumangatlo naman ang Gazz.

Ilan sa makakasama ni Bicar sa Angels sina veterans Myla Pablo, Grethcel Soltones, Kath Arado, Ria Meneses, Ces Molina at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?