34

Sep 27, 2021 @ 19:42
By

Bicam report sa pagbabawal ng child marriage niratipika ng Kamara

Niratipika ng Kamara de Representantes ang bicameral report kaugnay ng panukala na magbabawal ng child marriage sa bansa.

Ang bicameral conference committee report sa hindi magkatugmang probisyon ng House Bill 9943 at Senate Bill 1373 ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala, ibabawal ang pagkakasal o pag-aayos ng pagpapakasal ng mga wala pang edad 18.

Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng anim hanggang 12 taon at/o pagmultahin ng hindi bababa sa P40,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?