8

By

Bicam, inihahanda na ang report sa BBL

Sharing is caring!

Tinapos na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, natapos nilang lahat “in principle” ang diskusyon kaninang alas-12:15 ng hatinggabi.

Sinabi ni Fariñas na binigyan din silang dalawa ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng kapangyarihan ng bicam na tapusin ang report.

Muli aniyang magkikita ang mga miyembro ng bicam sa araw ng Martes, Hulyo 17 para aprubahan ang report at maisumite sa Malakanyang para mapag-aralan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Fariñas, kapag inaprubahan na ito ni Pangulong Duterte, raratipikahan ito sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara at Senado sa Hulyo 23.

Pagkatapos maratipikahan ng dalawang kapulungan, lalagdaan ito ng Presidente bago o pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA) sa hapon ng Hulyo 23.

“If he finds it to his approval, we will have it ratified in Plenary by the House of Representatives and the Senate when we convene our 3rd Regular Session on Monday, July 23, 2018, at 10:00am, for it to be signed into law by the President on or before the SONA at 4pm,” ani Fariñas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?