15

May 3, 2021 @ 19:54
By

Bibliya sa community pantry, ikinatuwa ng mga pari

Pinuri ng ilang religious leaders ang isang community pantry sa San Mateo, Rizal kung saan kasama sa libreng pinamimigay sa nasabing pantry ang mga bibliya.

Sa isang panayam nitong Lunes, Mayo 3, pinuri ni retired Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang naturang pantry. Aniya, ang nasabing gawain ay magpapabuti hindi lamang sa pisikal na pangangailangan ng mga residente, kundi pati na rin sa kanilang espirituwal na estado.

“Very good! This community pantry is doing a very commendable act of charity, for ‘Man does not live on bread alone but by the Word of God.’ And the Bible is the Word of God,” ani Bastes, na tumayo rin bilang dating pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Biblical Apostolate.

Isa rin sa mga natuwa sa naturang pantry si Caloocan Bishop Pablo David. Ayon sa kanya, ginagawa rin nila sa kanilang diocese ang pamimigay ng libreng bibliya sa mga community pantry.

“We have been doing it, too, in partnership with Philippine Bible Society,” ani David sa isang Facebook post.

Ang Eastern Police District sa Pasig ay namamahagi rin ng mga bibliya sa kanilang mga community pantry na kanilang isinasagawa sa iba’t-ibang lugar sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?