118

Jun 11, 2020 @ 14:31
By

Bibigay na sa destiny: Kris papasok sa politika

Susunod na nga kaya sa yapak ng kanyang mga magulang at kuya ang ‘Queen of All Media’ na si Kris Aquino?

Marami ang nang-intriga kay Kris na bumalik na sa showbiz matapos niyang batiin ang kanyang dating writer na si Darla Sauler noong birthday nito.

Nag-share naman si Kris sa kanyang mga future plan, na bukod sa showbiz ay may balak ding mag-aral ng political science, tila nagpaparamdam ng kagustuhang pumasok sa politika.

“I still need a medical clearance because of my autoimmune issues — I’m leaving everything as part of God’s plans for my life,” sey ni Kris.

“My other path is to take an online course (since many are now available) — political science — sometimes you also have to follow the call of destiny.”

May netizen naman na sinabing kailangan umano si Kris sa gobyerno dahil sa taglay nitong talino.

Nilinaw naman ng dating TV host na kaya niya gustong mag-take ng political science dahil nais niyang magkaroon ng background dito para makasagot sa maraming political issue.

“Oops I should have clarified — my dad started as a war correspondent for the Manila Times. Every morning I watch Chris Cuomo on CNN & he comes from a political clan… and he has a law degree — so he’s able to tackle political issues from many perspectives,” ayon kay Kris.

“I don’t want to have an opinion because of my DNA, I want to be thoroughly informed & very well rounded from my education,” aniya pa, at dinagdag na nais din niyang mag-produce ng mga documentary na siya mismo ang magho-host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,