106

Oct 27, 2017 @ 13:26

Biazon: National Transportation Safety Board aprubahan na!

Iginiit ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na bigyang prayoridad ng Kongreso ang panukalang paglikha ng National Transportation Safety Board.

Layon ng House Bill No. 1725 ni Biazon na magkaroon ng isang ahensyang tututok sa imbestigasyon ng mga aksidente sa ere, sa kalsada at sa dagat para matukoy ang eksaktong dahilan ng mga ito.

Magbibigay din ang NTSB ng mga rekomendasyon sa kaukulang mga ahensya ng gobyerno gayundin ng assessment at evaluation techniques para maiwasan ang mga aksidente.

Dati pang naihain ni Biazon ang panukala noong 12th Congress pero hanggang ngayong 17th Congress ay hindi ito naaksyunan sa kabila nang paulit-ulit na mga trahedya.

Sabi ng kongresista, ang panibagong malagim na aksidente sa San Mateo – Batasan Road kahapon ay indikasyon na kailangan nang magkaroon ng pagbabago sa road safety policy.

Binigyang diin ni Biazon na panahon nang lagyan ng science ang pagtukoy sa sanhi ng mga aksidente maliban sa palagiang linya ng mga driver na nawalan ng preno o kontrol sa sasakyan.

“Forensic investigation of the vehicle involved in the crash will show the exact cause and therefore identify those who should be held accountable,” ayon kay Biazon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?