27

Oct 23, 2017 @ 17:25

Biazon: Memorial sa nagsakripisyo sa Marawi

“Mission accomplished” para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang deklarasyon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na tapos na ang opensiba ng militar sa Marawi City.

Kaya naman, ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, dapat lang na bigyan ng nararapat na parangal, pagkilala at pasasalamat ang mga tropang nakipagbakbakan sa mga terorista para mabawi ang Marawi City.

Iminungkahi ni Biazon, vice chairman ng House Committee on National Defense and Security, na magtayo ng marker o memorial sa Marawi bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalo at pulis at sa mga nagbuwis ng buhay.

“For those who gave the ultimate sacrifice in fighting against the terrorists, perhaps a marker or memorial with an eternal flame can be erected in Marawi, as a way of honoring them for giving their lives so that others may live and that the country’s major Islamic city is liberated from the clutches of extremist terrorists,” ayon kay Biazon.

Sabi ng kongresista, karapat-dapat din ang agarang pagbibigay ng mga medalya at promosyon.

Higit sa lahat, hindi aniya dapat pabayaan ng gobyerno ang mga pamilyang naulila ng mga napatay na sundalo’t pulis at ipagkaloob ang nararapat na benepisyo sa kanila.

Ipinaalala rin nito na huwag kalimutan ang atensiyong medikal para sa mga ito partikular ang mental health care. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?