10

Aug 1, 2020 @ 14:06
By

Biazon: Duque dapat mag-resign

Parami nang parami ang mga politiko na nakikiisa sa panawagang magbitiw na sa puwesto si Department of Health Secretary at Inter-Agency Task Force (IATF) Chairperson Francisco Duque III.

Kabilang dito si Muntinlupa Representative Ruffy Biazon.

“There really needs to be a revitalization, reset, reboot, redirection….replacement of leadership in the IATF,” tweet ng mambabatas nitong Sabado ng tanghali, Agosto 1.

“Duque should resign,” aniya pa.

Bago ito, nagmakaawa si Sorsogon Governor Chiz Escudero kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na si Duque, matapos maitala ang pinakamataas na single-day increase sa mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 nitong Huwebes, Hulyo 30.

Sa parehong araw, nagpatupad ang Department of Health ng “mass recovery adjustment” kung saan ipinabilang sa mga gumaling ang mga pasyenteng may mild o walang sintomas ng virus na base umano sa siyensya na ginagawa sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?