202

Dec 13, 2017 @ 17:19
By

Bianca Umali ‘petmalu’ sa millennial words challenge

Iba rin ‘tong si Bianca Umali. May challenge sa ‘Kambal, Karibal’ cast na ipinalabas sa official Facebook page ng GMA Drama kung saan kailangan nilang sabihin ang tunay na kahulugan ng mga binaligtad na salita gaya ng nauusong ‘petmalu’ at ‘lodi’.

Nagpakitang-gilas si Bianca dahil siya lang ang nakakuha ng lahat ng tamang sagot sa challenge. Maging ang mga kapwa niya millennial ay talbog sa galing niya sa mga salitang ito. Nakakaaliw dahil bukod sa perfect score, wala siyang pass at napakabilis niyang sumagot.

Sa mga hindi nakakaalam, bata pa lang si Bianca ay alam na naming loaded na ito. Hindi lang loaded sa ganda at kaseksihan, loaded din sa talents. Magaling din mag-paint at matalino.

No wonder, nasambit ni Miguel Tanfelix kahit na humirit ng, ‘joke lang’! na wala raw siyang nararamdamang pressure sa mga fans na dapat magkatuluyan sila dahil mangyayari naman daw talaga yun, huh! (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?