623
Bianca Umali muntik masagasaan si Ruru Madrid?
Nov 7, 2019 @ 18:38

Bianca Umali muntik masagasaan si Ruru Madrid?

Selos ang hinihinalang dahilan kaya muntik umanong masagasaan ni Bianca Umali ang rumored partner na si Ruru Madrid.

Ayon sa Pep.ph, nangyari ang insidente matapos ang red-carpet premiere ng Cara X Jagger na pinagbibidahan nina Madrid at Jasmine Curtis-Smith, Nov. 5, 2019.

Nabatid na dati nang nagseselos si Bianca kay Jasmine dahil umamin si Ruru na crush niya ang huli.

Ito, kahit hindi pa inaamin nina Bianca at Ruru ang relasyon. Samantala, open naman sa public ang relasyon nina Jasmine at Jeff Ortega.

Kwento ng isang saksi sa Pep, dumalo si Bianca sa premiere night ngunit naunang lumabas sa sinehan.

Nagulat umano ang eyewitness dahil bigla itong lumitaw sa parking lot, at sumilip sa loob ng kotse ni Ruru, kung saan kasama niya sina Jasmine, Direk Ice Idanan, at dawalang iba pa.

Dito sinabi ni Bianca kay Ruru ang sarcastic na “Congrats” saka bumalik sa kotse.

“Bumaba si Ruru mula sa sasakyan, sinundan niya si Bianca. Pero nang buksan nito ang kotse, itinulak niya si Ruru saka pinaandar ang sasakyan,” lahad ng saksi sa Pep.

“Muntik nang masagasaan si Ruru,” dagdag pa nito.

Marami raw ang nakakita sa nangyari, maging ang tatay ni Ruru na si Bong, na napaluha sa sama ng loob kay Bianca.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?