63
views

By

Bianca-Miguel magdyowa na

Sharing is caring!

NEW Year na New Year pero parang isang advance Valentines’ celebration ang ginawa ng Kapuso love team na BiGuel a.k.a. Bianca Umali at Miguel Tanfelix na siyang bida ngayong sa primetime series na Kambal, Karibal.

Sa litratong pinost ni Miguel sa kanyang Instagram kamakailan, proud niyang ibinahagi ang ‘first hike’ nila. So, sila na nga ba talaga in real-life sa kabila ng mga pagtanggi nila na may relasyon na sila? Na kesyo hindi pa nagpapaligaw si Bianca dahil wala pa itong 18?
Although, every time naman na nakikita namin sila, mas action speaks louder than word huh! Sa mga bagets, sila na nga ang tina-tag na kesyo #RelationshipGoals.

Sa primetime series naman nila, parehong may gusto sina Diego (Miguel) at si Makoy (Jeric Gonzales) kay Crisan (Bianca) at hindi basta-basta magpapatalo ang dalawa. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?