90

Jul 19, 2020 @ 15:40

‘Bianca mas bagay kay Miguel’

May ilang netizen na hindi natuwa nang mag-post si Bianca Umali kasama si Ruru Madrid.

Sa Instagram ngayong Linggo, binida ng aktres ang larawan ng magkalapit at nakangiti nilang mukha ni Ruru.

https://www.instagram.com/p/CCyiUC7D7ox/

May mga kinilig at nangantiyaw, gaya ng kapwa nila celebrities na sina Mark Herras, Camille Prats, at Chynna Ortaleza.

May ibang netizen naman na dismayado at heartbroken, dahil mas bagay anila si Bianca sa onscreen partner nitong si Miguel Tanfelix.

“felt sorry for miguel ?,” ayon sa isang Biguel fan.

“What about Miguel??” usisa ng isa pa.

“am a big fan of you and miguel. Sadly you don’t ended up with each other, maybe you’re not really meant to be. I hope you’re happy with ruru,” banggit ng isang netizen.

“Biguel fan now super broke. I CAN’T,” komento pa ng isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?