41

Sep 27, 2021 @ 19:50
By

Bianca magdamag pumila para maging botante

Tiniis ni Bianca Umali ang pagpila ng madaling-araw para makapagparehistro at makaboto.

Sa Instagram ibinahagi ni Bianca na alas-tres ng madaling-araw siya pumila kasama ang pinsan at natapos sila ng alas-kuwatro ng hapon.

“Mula alas tres ng umaga na nagsimula ang araw namin, hanggang alas quatro ng hapon na natapos namin ang lahat lahat.

“Sa wakas, isa na akong ganap na REHISTRADONG BOTANTE ang sarap sa puso!” masayang sabi ng aktres.

Hinikayat niya rin ang publiko na magparehistro.

“Nakakaproud I hope I get to encourage you too! Sama-sama nating mahalin ang Pilipinas, bumoto tayo!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: