65

Aug 4, 2022 @ 15:21
By

Bianca King inoperahan sa balikat, nanghina at namayat

Nanghina at namayat si “Mulawin” actress Bianca King matapos ang operasyon niya sa balikat.

Sa kanyang Instagram, ikinuwento niya ang pinagdaanan niyang journey sa pagpapagaling matapos operahan ang nawala sa puwesto na balikat niya noong 2021.

Aniya, mali ang naging diagnose sa kanya sa Pilipinas at ang mga doktor sa Sydney, Australia ang nakatuklas ng tunay na problema sa nananakit niyang balikat araw-araw.

“In July 2021, I had shoulder surgery called biceps tenodesis to fix a dislocated shoulder that was causing daily pain.

“I was misdiagnosed in the Philippines with a rotator cuff tear. Luckily, I did another MRI in Sydney and the diagnosis was joint instability and a split in my biceps anchor with calcific tendonitis. Inflammation and pain caused by the loose shoulder,” aniya.

Inamin niyang na-depress siya at nagkulong lang sa bahay sa kasagsagan ng pandemic matapos ang operasyon dahil sobrang sakit ng naramdaman niya.

“I was in so much pain after surgery and slept on a stack of 5 pillows for 3 months. I felt so weak and skinny.

“I was depressed being isolated at home during the peak of the pandemic, not being able to bathe myself properly or cook my own food, mostly laying in bed feeling down and crying to my friends on the phone. I had to stop yoga for over a year,” dagdag niya.

Sobrang thankful naman siya sa kanyang asawang si Ralph Wintle sa pag-aalaga sa kanya.

“Now I feel ALMOST back to normal but extremely grateful for having gone through that horrifying experience of joint surgery. And the best part of it all was my bond with my husband became stronger as he stepped up to take care of me when I couldn’t take care of myself.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?