35

May 14, 2021 @ 16:41
By

Bianca Gonzalez pinaglaban mga morena

“Hindi dehado, hindi lugi, hindi pangit ang maitim kumpara sa maputi.”

Ito ang naging paninindigan ni TV host Bianca Gonzalez kasabay ng panawagan sa publiko na itigil na ang diskriminasyon laban sa mga maitim ang balat.

“Hindi ‘kawawa’ ang morena. Tama na ang harmful messaging na yan, please. That would be my message to 17-year old me in this picture, and to all other brown-skinned girls (and boys!) who might be reading this,” sey ni Bianca sa isang Instagram post, na nilagyan niya ng hashtag na #proudmorena.

Kabilang sa sumang-ayon sa kanyang pinaglalaban ang isa ring morena beauty na si Iza Calzado.

“Hindi talaga! I spend so much time Under the Sun just to maintain my morena glow!” sey ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?