246

Jan 30, 2020 @ 18:32

Bianca Gonzalez: Okay lang OA sa nCoV

Hindi bale nang OA o praning kaysa tamaan ng novel coronavirus (2019-nCoV), ayon kay aktres Bianca Gonzalez.

Sa Twitter thread, nagbigay siya ng mga paalala sa kanyang followers sa mga pag-iingat na pwedeng gawin ngayong nakumpirma na ang unang nagpositibong kaso ng mala-pneumonia na sakit sa bansa.

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ngayong Huwebes ng hapon, Enero 30, ang unang kaso ng 2019-nCoV sa bansa.

Ang babaeng Chinese na nagpositibo sa virus ay dumating sa bansa noon pang Enero 21, nagpa-admit noong Enero 25 dahil sa naramdamang ubo at ngayon ay wala na umanong sintomas ng sakit, ayon sa mga awtoridad.

Bilin ni Bianca, “please takpan natin ang bibig natin kapag uubo o babahing lalo na sa public spaces. Simpleng bagay na marami pa rin ang hindi nakakagawa. ??”

Wika pa niya, “di bale nang exag, OA o praning. Wash your hands or clean hands with alcohol as often as you can. WASHING HANDS SAVES LIVES. And please remember, avoid touching your face in public, and do so only with clean hands. ??????”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?