Trending sa social media ang advertisement ng Glutamax na ayon sa mga netizen ay ‘racist’ dahil pinagmumukhang kaawa-awa ang mga taong hindi maputi ang balat.
Nagreact ang Morena beauty television host na si Bianca Gonzalez sa naturang advertisement ng whitening brand.
Nagpost sa kaniyang social media account si Gonzalez hinggil dito.
“There is no problem at all sa mga gustong magpaputi. The problem is when whitening brands make us look [‘kaawa-awa’] dahil lang maitim kami. Kasi, hindi po kami kawawa, maganda ang kulay naming,” aniya.
Just a note from a Filipina with brown skin since birth:
There is no problem AT ALL sa mga gustong magpaputi. The problem is when whitening brands make us look “kaawa awa” dahil lang maitim kami. Kasi, hindi po kami kawawa, maganda ang kulay namin.
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) April 13, 2019
Ipinahayag din ni Gonzalez na mahal niya ang kaniyang brown skin dahil idolo niya umano sina Angel Aquino at Tweetie de Leon.
“I did not need to compare myself to fair-skinned girls. It need not be a ‘battle’ of maitim (dark-skinned) versus maputi (fair-skinned),” dagdag pa niya.
“What I will teach them is that being brown is not something ‘shameful’, and being brown is not something that makes them less beautiful than others,” saad ni Gonzalez.