Hindi lamang mga artista at empleyado ng ABS-CBN ang apektado sakaling magtuloy-tuloy ang pagsasara ng network.
Ayon kay Kapamilya host Bianca Gonzalez, kahit ang ibang industriya tulad ng mga advertising firm ay matatamaan dahil sa tigil-operasyon ng ABS-CBN.
“Hindi lang ABS-CBN employees at talents ang maaapektuhan kung hindi ma-renew ang franchise,” saad ni Bianca.
“Pati advertising industry apektado, brands at kumpanya na may ads, apektado; musicians, filmmakers, freelance creatives, prod houses, at madami pa; apektado din ang industries ninyo.”
Hindi lang ABS-CBN employees at talents ang maaapektuhan kung hindi ma-renew ang franchise. Pati advertising industry apektado, brands at kumpanya na may ads, apektado; musicians, filmmakers, freelance creatives, prod houses, at madami pa; apektado din ang industries ninyo. ?
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) July 3, 2020
Simula noong Mayo 5 ay hindi na napapanood ang ABS-CBN channel sa mga telebisyon matapos maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa network.
Nitong June 30 naman ay dinamay na ng NTC ang Sky Direct at mga palabas ng Kapamilya network sa kanilang TV Plus sa mga pinatigil sa pag-broadcast.