164
kyline-bianca
Aug 31, 2018 @ 19:49
By

Bianca at Kyline magbabalik bilang kambal

Matapos tutukan ang kanilang mga karakter sa top-rating GMA drama series na Kambal, Karibal, muling magsasama ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Kyline Alcantara sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Setyembre.

Pinamagatang ‘Dobol, Tripol Trobol,’ ibabahagi ni Lola Goreng (Gloria Romero) ang kwento nina Bianca at Kyline bilang ang kambal-tukong magkapatid na sina Ella at Emma. Lumaki silang kinukutya at pinagtatawanan ng ibang tao dahil sa kanilang kakaibang kondisyon. Palagi mang magkadikit, madalas mag-away ang dalawa dahil sa malaki nilang kaibahan sa isa’t isa.

Napagdesisyunan ng kanilang mga magulang na hanapin ang Magical Scarecrow na nagsumpa sa kanila para mapaghiwalay na sina Ella at Emma. Matutupad na kaya ang hiling ng kambal na magkahiwalay? Magkakasundo pa kaya sila?

Abangan ang kanilang adventures sa Daig Kayo Ng Lola Ko simula ngayong Linggo, (Setyembre 2) sa GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?