71

Biado salto, bigong makadalawa sa World 9-Ball

Bigo si Carlo Biado na maidepensa ang kanyang korona sa 2018 World 9-Ball Championship nang mapayuko ni Joshua Filler sa finals Biyernes sa Al Arabi Sports Club, Doha, Qatar.

Matapos dominahin si Lin Wu Kun ng Chinese-Taipei sa quarterfinals at si Shane van Boening ng Amerika sa semifinals, hindi nagawang maitakas ng Pinoy player ang back-t-back title.

Nagkukumahog ang 2017 champion na habulin si Filler sa race-to-13 finals, 9-7 matapos ang 16 racks, nagtagumpay naman ito na maibaba ang kalamangan sa 11-10 sa huling apat na racks pero ito na ang huli niyang tira.

Umariba si Filler sa mga sumunod na racks para alpasan ang tubong La Union na si Biado at sungkitin ang titulo.

Tinalo ni Biado si Lin, 11-14 sa quarterfinal round at pinatumba naman niya sa semis si Boening, 11-6.

Samantala, inalpasan ni Filler si Alexandros Kazakis ng Greece, 11-10 sa kanilang semifinals match para makaharap si Biado sa Finals. (Fergus E. Josue, Jr.)

ReplyForward
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?