33

By

Biado pasok sa world 9-ball semis sa Qatar

Sinargo ni Carlo Biado ang nakalaban nitong si Lin Wu Kun ng Chinese-Taipei, 11-4, upang umabante sa semifinals ng World 9-Ball Championship sa Doha, Qatar.

Agad rumatsada sa 7-0 lead ang Pinoy cuemaster sa Al Arabi Sports Club para makapasok sa Final Four at haharapin ang American player na si Shane van Boening.

Sa isa pang semis pairing ay tampok sina Joshua Filler ng Germany at Alexandros Kazakis ng Greece.

Matatandaang pinadapa ni Biado ang kapwa nito Pinoy na si Roland Garcia para tanghaling Southeast Asian Games 9-ball champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?