125

Oct 21, 2017 @ 13:47

Biado, Orcullo at 5 pang Pinoy sasargo sa US Open 9-Ball

Susubukan ng isa sa 7-man all-star studded Philippine men’s team na masargo ang unang korona para sa Pilipinas sa loob ng 22 taon sa pagtumbok sa $.2-million 42nd US Open 9-Ball Championships 2017 sa Sheraton Nortfolk Waterside Hotel sa Norfolk, Virginia sa Oct. 22-28 (23-29 sa Maynila).

Pangungunahan ni Poland 10th World Games 2017 champion Carlo Biado at 2011 WPA world 8-ball king Dennis Orcullo ang kampanya ng mga Filipino cue artist sa 160-field, weeklong billiard festival na may 25 bansa na mga kumpirmado at inaasahang tataas pa ang bilang dahil nasa 134 pa lang ang individual participants hanggang presstime.

Makakasama nang magdiriwang ng kanyang 34th birthday sa Oct. 31 at former golf caddie na si Biado at dating mangingisda sa Bislig na si Orcullo, 38, ang lima pang mga astig na mga kababayang nais masundan ang una’t tanging tagumpay rito ni Efren ‘Bata’ Reyes noon pang 1994.

Sila ay recently-crowned World 14.1 Tournament champ Davaoeño Lee Van Corteza, 38, 2017 Guri International 9-Ball Championships runner-up Johann Chua, US 2017 Action Pool Tour 8b-Ball Open division ruler Zoren James Aranas;
Cebuano Warren Kiamco, 47, at Manileño Jeffrey de Luna, 33, sa sarguhang magkakaloob ng top purse $40,000 para sa uupo sa trono.

Walang pambato ang Pinas sa distaff side.(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?