28

Sep 19, 2021 @ 15:18
By

Biado ‘di kabado! Kampeon sa US Open

Bumalik sa 3-8 na pagkakatambak si Carlo Biado para mapataob si Aloysius Yapp ng Singapore, 13-8, at tanghaling kampeon ng US Open Pool Championship ngayong Linggo.

Kontrolado ni Yapp ang unang bahagi ng laban at nagmistulang didiretso na sa korona ngunit hindi niya naipasok ang number nine sa 12th rack na naging hudyat ng pagbalik ni Biado sa laban.

Kinuha ng Pinoy ang 10 sunod-sunod na racks para matapos ang laban at makopo ang kampeonato at cash prize na $50,000 (P2.5 milyon).

Bago makapasok sa finals, nilusutan muna ni Biado si Naoyuki Oi ng Japan, 11-9, sa dikitang semifinals.

Samantala, natalo naman si Dennis Orcollo kay Yapp sa semis na naging hadlang para matuloy ang all-Filipino finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?