41

Jul 1, 2019 @ 10:31
By

Biado, De Luna swak sa finals ng WCP

Umiskor nang dire-diretsong apat na panalo ang Team Philippines nina Carlo Biado at Jeffrey de Luna upang makapalaot sa finals ng 13th World Cup of Pool 2019 sa Morningside Arena sa Leicester City, England.

Nakatakdang magkatuos Linggo ng gabi sa finals ng Pinoy tadem ang sinuman sa mananalo sa nagtutumbukan pang sina Mario He/Albin Ouschan ng Austria at Spanish David Alcaide at Francisco Ruiz sa Last Four.

Para makasulong sa championship round ng anim na araw na torneo, Hunyo 25-30, tinibag ng PH cue artists sina Niels Feijen at Marc Bijsterbosch ng Netherlands, 9-6, sa semifinals, at Canadians Alex Pagulayan at John Mora sa quarterfinals.

Bumuwenamano muna sina Biado at De Luna kina Czechs Roman Hybler at Michal Gaveniak sa opening round, 7-6; at sinunod sina Albanians Eklent Kaci/Besar Spahiu sa second, 7-5, para umabot sa Round-of-8.

Magsusubi ng US$60,000 (P3.07M) ang kampeon sa 16-nation cuefest, habang ang sesegunda’y mabibiyayaan ng $30K.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?