25
Regalario sinargo ang titulo
By

Biado, De Luna ika-2 sa World Cup of Pool

‘Di nasustine nina Carlo Biado at Jeffrey de Luna ng Team Philippines ang apat na dikit na ragasa, tumilapon kina Austrians Albin Ouschan at Mario He, 3-11, para makuntento sa segunda sa wakas ng 13th World Cup of Pool 2019 Linggo sa Morningside Arena sa Leicester City, England.

Pero ‘di naman laglag balikat na babalik ng bansa ang dalawang cue artist dahil nagrasyahan pa rin ng US$30,000 (P1.5M) sa 6-day event na nilahukan ng 16 na bansa nitong Hunyo 25-30.

Pa-finals, ungos ang PH duo kina Niels Feijen at Marc Bijsterbosch ng Netherlands, 9-6, sa semifinals; hinakbangan sina Canadians Alex Pagulayan at John Mora sa quarterfinals, 9-5; nangibabaw kina Eklent Kaci/Besar Spahiu ng Alabania sa second, 7-5; at alpas kina Czechs Roman Hybler/Michal Gaveniak sa opening round, 7-6.

Kumita naman sina Ouschan at He ng $60,000 na umentra sa championship round sa pagpagpag kina David Alcaide at Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa Last 4, 9-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?