Bureau of Immigration
By

BI personnel walang bakasyon sa Holy Week

Sharing is caring!

Hindi papayagan na mag-leave o magbakasyon ngayong Semana Santa ang mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sa iba pang mga pangunahing paliparan at pantalan sa bansa.

Ayon kay BI port operations division chief Marc Red Mariñas, ang mga immigration officer ay hindi papayagan na magbakasyon, bago, sa mismong Mahal na Araw at pagkatapos ng Semana Santa.

Ito ay para umano matiyak na sapat ang mga kawani ng BI na magpoproseso sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe sa nalalapit na holiday.

Partikular umanong pagbabawalan ang bakasyon mula March 20 hanggang April 15.

Idinagdag pa ni Mariñas na sa mga nakalipas na linggo, iniutos na niya ang reassignment ng mga immigration officer sa mga airport sa Clark, Mactan at Kalibo na mangangailangan ng dagdag na mga tauhan dahil sa pagbubukas doon ng mga karagdagang flight.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?