29

Oct 12, 2017 @ 14:54

BI officer sa NAIA, bawal munang magbakasyon

Hindi papayagang magbakasyon o maghain ng leave ang mga immigration officer na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang mga international port simula October 28, 2017 hanggang January 15, 2018.

Ito ay para matiyak na may sapat na manpower na magsisilbi sa inaasahang pagdagsa ng mga byahero bunsod ng nalalapit na Undas, ASEAN Leaders’ Summit at panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Jaime Morente, layunin ng kanyang direktiba na masigurong hindi maaantala ang serbisyo ng kawanihan sa mga pasahero na darating at aalis mula sa Pilipinas.

“What we are trying to avoid here are those exhausting long queues that could inconvenience passengers while awaiting the conduct of immigration boarding formalities in our counters at the airports,” saad ni Morente.

Pero sa kabila nito, posibleng hindi pa rin maiwasan ang mahabang pila sa immigration counter sa NAIA sa Nobyembre dahil s inaasahang pagtaas ng volume ng mga pasahero sa panahon ng ASEAN Summit at Kapaskuhan.

Gayunman, magiging mabilis naman ang usad ng pila.

“But these long queues will move faster and won’t inconvenience passengers if the immigration officers manning our booths at the airports are in full attendance,” dagdag ni Morente.

Babala naman ni BI port operations division chief Marc Red Marinas, ang palagiang pag-absent sa trabaho ay itinuturing na mabigat na paglabag na may katapat na parusa na hanggang anim na buwang suspensyon o pagkakasibak sa serbisyo. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?