58

Sep 29, 2017 @ 11:24

BI officer nagsauli ng naiwang pera pinarangalan

Dahil sa pagsasauli ng naiwang pera ng isang pasahero, binigyan ng pagkilala ng Bureau of Immigration (BI) ang isa nitong immigration officer na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BI, kabuuang US 1,900 ang isinauli ni Reimond Abegail Lagman.

Sinabi ni Marc Red Marinas, Hepe ng BI port operations division, ang pera ay naiwan sa immigration arrival area sa NAIA Terminal 3 kung saan nakatalaga si Lagman ng isang hind pa nakikilalang pasahero noong September 7, 2017, pero sa halip na kanyang ibulsa ang pera, nagpasya siyang i-turn over ito sa pamunuan ng paliparan.

“He noticed a white envelope containing 19 pieces of 100 US dollar bills that a passenger, whose identity is not yet known, left in front of him,” paliwanag ni Marinas.

Kaugnay nito, tatanggap si Lagman ng plaque of commendation na igagawad sa kanya sa flag ceremony ng BI sa Lunes.

“I commend Mr. Lagman for again showing our countrymen that there are honest employees in our bureau who cannot be corrupted by the color of money even if they are gripped with financial difficulties,” ang pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.

Samantala, nanawagan din ang BI sa pasaherong nakaiwan ng pera na makipag-ugnayan sa Manila International Airport Authority (MIAA). (Maricel Diaz).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?