0
views

By

BI nag-isyu ng bagong travel card para sa mga pasahero sa NAIA

Sharing is caring!

Sinimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-iisyu ng mga bagong arrival at departure card para sa mga international passenger sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BI Officer in Charge Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, namumuno ng BI Port Operations Division, noon pang July 1, 2018 nila sinimulan ang pamamahagi ng bagong travel cards sa iba’t ibang airlines.

Pinalitan umano ng BI ang lumang travel card dahil kapos umano ang dating card sa sapat na impormasyon kaugnay sa traveler na bumibiyahe patungo at palabas ng bansa.

Paliwanag ng BI, ang paggamit ng arrival at departure card ay nakagawian na sa mga immigration department ng maraming bansa dahil naidodokumento nang maayos ang mga pasahero na mahalaga naman sa pangagasiwa ng border o hangganan ng bansa.

Itinuturing din umano ang mga travel card bilang legal document sa pagkuha ng impormasyon mula sa mga traveler na wala sa kanilang pasaporte.

Ang arrival at departure card ay iniiwan ng pasahero sa immigration inspector pagdating nito sa bansa o bago bumiyahe pa-abroad. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?